Monday, August 24, 2009

ibigay todo mo, wika mo!




"kabataan, pag- asa ng bayan...?"
isang nakakatuwang linya ng ating pambansang bayani si Gat Jose Rizal... para sa kanya ito'y hindi isang biro, dapat siniseryoso.
ngunit, sinabi kong ito'y nakakatuwa dahil mga tol, meron akong karanasan...
nung nakaraang linggo kasi alam nyo ba pumunta ako sa isang mall para magmasid-masid. tapos, habang naglilibot ako, may nakasalubong ako, isang grupo ng kabataan... lalaki at babae.
nung una hindi ko pinansin dahil katulad nila, alam ko tao rin ako. pero ito ang malupit mga pare, nakita ko sila na may suot ng "AKO MISMO" na kwintas. ang pagkakaintindi ko kasi don, kapag nagsuot ka ng ganun, dapat ikaw mismo may gagawin para sa bayan mo.
so eto na po tayo sa pinakamatinding bahagi ng istorya, habang nagmamasid ako sa kanila yung isa nagmura(syempre hindi ko na sasabihin yung sinabi nya). basta ayun, nagmura sya sa wikang ingles mga tol. sa sitwasyon, mukang nagkainitan na yata sila ng kasama nya. kaya ayon away sila! tapos dinala sila sa pinaka malapit na baranggay. yung isa nangatwiran pa sa guard at pinagmumura at sinabihan ng kung anu-ano ang guard sa ingles na salita(for sure si manong guard, nosebleed! haha!)
natawa ako nung una, pero habang tumatagal napag-isip-isip ko, nakakatawa ba talaga o nakakahiya ang nangyari? mga kabataang katulad ko ang nasangkot sa gulo kanina, kabataang mukhang nakalimutan na ang obligasyon para sa bansa.
aminado ako, bilang isang kabataan at isang tunay na PILIPINO nakakalimutan ko na may tungkulin pala ako para sa bayan. minsan mas pinipili ko magsalita ng ingles sa kadahilanang gusto kong magmayabang, mapuri at hangaan. isa pang dahilan, sabi nila mabuti daw na mahasa tayo sa ingles upang hindi tayo nahuhuli sa ibang bansa. AT ang pinaka dahilan sa lahat, "PARA SA OPORTUNIDAD NA MAKAKUHA NG MAGANDANG TRABAHO" sa ibang bansa man o dito lang sa Pilipinas.
sa totoo lang, ito ang mga isinasagot ko kapag nagbibigay ng essay ang guro namin sa english. at lahat kami ito ang sagot na kinamulatan. ngunit, sapat na ba ang mga dahilan na ito upang isantabi ang ating sariling wika at mas pag husayan pa ang pag-aaral ng wikang inges?
tila yata mas pinahahalagahan natin ngayon ang wikang hindi naman talaga sa atin...
isang patunay dito ay ang karatula ng CCP, na ang nakasulat ay: "CCP IS AN ENGLISH SPEAKING SCHOOL"... tama bang mas mas dapat ipagmalaki ang paaralang gumagamit ng wikang ingles? hindi ba tayo pwedeng magmalaki at ilagay sa karatula ng ating paaralan: "ANG ST.PAUL AY ISANG PAARALAN NA GUMAGAMIT NG WIKANG FILIPINO!!"
bakit ang wikang ingles lang ang ating ipinagmamalaki? sa paaralan dapat natin unag natutunan ang pagkamulat sa tunay na diwa ng wikang atin, ngunit mukang maski ang mga paaralan sa bansa ay walang pagmamahal sa bayan.
hindi na nakapagtataka na ang mga kabataan na aking nakasalubong ay walang pagmamahal sa sariling wika, dahil ang kinamulatan nilang mundo ay mundo ng mga taong hindi kayang ipagmalaki kung sino sila.mga kabataang hindi marunong magpahalaga sa wika.
ikinahihiya natin ang ating wika dahil sa gusto nating makipagsabayan sa agos ng panahon. hindi ko sinasabing salungat ako sa paggamit ng wikang ingles o kung ano pa man, ngunit ang nais kong iparating ay... sana bigyan ng importansya ang ating sariling wika. totoo, kakailanganin natin ang wikang inlges sa pagpanaog sa ibang bansa dahil walang makakaintindi sa iyo kung kakausapin mo ang mga dayuhan sa wikang Filipino. pero kung ang kakausapin mo lang naman ay kaibigan, kaklase, nanay at tatay mo na PURO naman Pilipino, ay mag-usap nalang sa wikang Filipino. wala namang dudugo ang ilong kapag nag-usap-usap sa sariling wika diba?
ikaw! bilang kabataan, patunayan mo at ipagmalaki sa iba, "AKO MISMO!, KABATAANG PILIPINO, ITATAGUYOD KO ANG WIKANG FILIPINO!" patunayan mo na hindi mali si Gat Jose sa pagbansag sa ating mga kabataan na tayo ang pag-asa ng bayan!
katulad nga ng sabi ko..."IBIGAY TODO MO, WIKA MO!!"

Hatid



Wikang Filipino
gamitin ng wasto.
Pagkakaunawaa'y na sa'yo
kung tamang salita ang gamit mo.
Dulot nito'y kapayapaan
dito sa ating bayan.
Kaya sa bawat buka ng ating mga labi

Siguraduhing pagkakaunawaan ang ibig ipabatid,

tiyak na kapayapaan ang ihahatid!

Simbolo



Sa Pilipinas, may tatlong simbolo na kumakatawan sa demokrasya. Ito ang mga kulay na dilaw, simbolo ng kamay na ang ibig sabihin ay laban, at ang ating dating pangulo na si Corazon Aquino.
Yan ang mga simbolong makahulugan sa ating mga Pilipino sa pag-alala natin sa ating nakamit na kalayaan sa kamay ng mga Marcos. Ilang mga habilin ang naibahagi ni Bb. Kris Aquino-Yap sa kanyang elehiya para sa kanyang ina, "Help each other." Yan ang natandaan ko sa kanyang mga sinabi noong ika-5 ng Agosto ng taong kasalukuyan. Hindi lang daw ito bilin ng ating dating pangulo sa kanyang mga anak kundi pati na rin sa bansang kanyang inibig ng tunay. Sadyang hanggang sa huling oras ng kanyang buhay ay pag-ibig pa rin sa kapwa ang nasa puso niya. Ang mga katagang ito ang nagbigay sa atin ng insirasyon upang magkarron ng mas magandang hangarin hindi lang sa ating sarili kundi pati na rin sa atin kapwa. Ang mga salitang iyon ay namumuhay sa puso ng bawat isa sa atin at lalong napukaw dahil sa pamumuno ng ating dating pangulo.
Makikita natin dito na ang mga katagang sinambit ng ating "Democracy Icon" ay sadyang nakapagbibigay ng magandang halimbawa sa atin. Kahit pa noong nakikipaglaban siya sa karapatan ng ating bansa ay sadyang wastong mga salita ang ginagamit niya. Mapapansin natin na ang kapayapaan ay dulot din ng kapayapaaan ng ating mga sinasabi at ginagawa.
Malaking bahagi ng pakikipagkomunikasyon ng dati nating pangulo ang pagkamit natin ng kalayaan. Nawa'y maging halimbawa natin ang tulad niya na dinaan sa maganadang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan upang maging payapa ang ating bansa.

Sunday, August 23, 2009

wikang kay ganda Filipino ang bida





Mga Filipino hindi makakaila ang kasiyahan na dulot ng isang magandang wikang kaloob ng Panginoon. Kung wika ang pag-uusapan mga Filipino ang bida dyan matatalinhagang salita na gustong gusto ng mga taong nakakarinig o dili kaya mga taong nag-iibigan, gaya na lang katagang "o irog ko kay sigla ng araw ko kapag ikay aking nasisilayan".



Kung ating dadakuin ang bawat lugar sa Pilipinas ibat-ibang lenggwahe ang ating maririnig,ngunit sa bawat salitang binibitawan ay tiyak na maganda at napag-isipan na ang sasabihin. Sa dakung Pilipinas lang matatagpuan ang mga taong gutom na ngunit nakangiti pa mga tradisyong nagbibigay kulay at ganda sa bansa kilala sa ibang bansa o wika ko bakit nga ba ang ganda mo? Ibat-iba man ang lenggwahe sa wikang Filipino pa rin nagkakaisa bawat taong sa Pilipinas nakatira, sa mga salitang kay ganda hindi na papaawat pa laban kung laban sigaw ng buong bayan.

Dumako naman tayo sa isang kwento:,,, heto na basahin na

Sa isang di kalayuang lugar sa bulacan may mag-anak na nakatira sa isang barung-barung lamang, hindi man sabihin ay kitang kita ang kasiyahan ng pamilya dahil sila ay sama-sama.

Ina: anak paano ka sasali sa patimpalak sa eskwelahan eh ala tayong perang pambili ng isusuot mo.

Anak: Inay huwag na po kayong mag-alala kahit pangit ang damit ko, sasali pa rin ako.

At dumating na ang araw ng patimpalak sa eskwelahan ng di masunog skul.at dumating na ang mag-anak na Galang

Nagsasalita: at ang susunod na kalahok ay si Mariana Galang

at pumanhik na si Mariana

Mariana: Magandang umaga po sa inyong lahat mga minamahal kong kapwa Pilipino

at tutula na si mariana

Mariana Sa aking pag-iisa aking nadarama ang kapighatian,

na sa tuwing ako'y matutulog na lamang laging kong sambit "bida ako sa wika ko"

Sapat na ba ito para maipagmalaki ko sa mga tao na ako'y tunay na Filipino

O kaya'y aking itong ipakita at ipaglaban. Minamahal ko ang wika ko na higit pa sa buhay ko. Sapagkat ito ang aking puhunan upang malaman nila na tatak pinoy ako.

Buong puso kong ipagtatapat na ako'y isang dugong Filipino na iba sa lahi ng iba at angat ako.

Hindi lang minsan ang paglaban itoy habang buhay na wiwikain kong "wikang kay ganda Filipino ang bida.

Salamat po!

Sa kwentong ito ipinakita ni mariana na hindi hadlang ang kahirapan upang mapalawak ang kaisipan sa mga wikang atin talaga.

Kahit mapadpad ay pwedeng pwedeng ilaban ang mga Filipino mga talentong kakaiba at napaka huhusay. Sa mga larong pinoy na kasiya-siya at kay ganda sikat ang ating bayan dyan mga sayawan, awitan, at sa mga iba pa

Iba ang wikang ito kahit saan bida ang wikang Filipino

ibang-iba ang pinoy

angat ang pinoy

bida ang wika ng pinoy